literature

Alak (Liquor)

Deviation Actions

archaicglint's avatar
By
Published:
165 Views

Literature Text

Iniiyak ko sya
katulad ng ulan sa hating gabi
Wala na sigurong ibang klaseng pighati
namaaring maikumpara dito

Malayo pa ang umaga
Mataas pa ang sikat ng buwan
Inaalay ko ang oras na dapat ako'y nagpapahinga
upang malaman nya na sya'y nasa isip ko
ngunit alam ko namang hindi mangyayari iyon
hindi nya ito malalaman
mahimbing ang pagtulog nya
masarap na nananaginip
habang sya ang aking panapangarap

Napangit ako ng saglit
Ako ay nanaginip ng gising
habang ang luha ko'y patuloy sa paglasing
sa damdamin kong ayaw pa rin syang kalimutan
dahil ito nalang ang natitira kong pag-aari galing sa kanya
at dahil dito, ako'y patuloy sa pag-iyak
hanggang ang luha ko'y maibsan sa pagiging alak
Writer's Note: Something sad on a rainy Monday.
Translation is up for request.
© 2012 - 2024 archaicglint
Comments6
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
Black-Angel-of-Mercy's avatar
can I have it translated?